SARI-SURI: “The Book Thief” ni Markus Zusak

This slideshow requires JavaScript.

Ang librong The Book Thief ni Markus Zusak (2005) ay ang aking paboritong nobela, at ay nanalo ng maraming mga gawad, katulad ng Commonwealth Writers’ Prize at ng Daniel Elliott Peace Award. Sa taong 2013 lumabas ang kanyang pelikula; ngunit sa aking opinyon, mas maganda ang kwento sa libro kaysa sa pelikula.

Marami ring interesanteng detalye sa paraan ng pagsulat ng kwento. Ang tagapagsalaysay ng kwento ay si Kamatayan (death), ibang-iba sa karaniwang neutral na perspektibo. Ang tagpuan ay nagmula sa simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War 2), sa isang mahirap na lugar sa Alemanya. Si Liesel Meminger, ang pangunahing tauhan, ay 12 taong gulang lamang. Ayon kay Kamatayan, si Liesel ay isang malakas na babae—habang bata pa lang ay nakita niyang namatay ang kanyang kapatid at magulang, at lumipat siya sa bahay nina Rosa at Hans Hubermann, ang naging kanyang bagong pamilya.

Mayroon tayong makikita sa katauhan ni Liesel: ang teoryang pampanitikan na feminismo. Kumpara sa ibang katauhang babae sa kwento—katulad ni Rosa, o ang asawa ng mayamang alkalde—mas malakas ang kanyang personalidad, lalo na ang pagiging malakas na babae.

Kadalasan, ang feminismo ay nakikita bilang adbokasya ng mga babae laban sa abuso ng mga kalalakihan, o kaya paglalaban para sa patas na pagtrato ng babae at ng lalaki. Siya’y pinapakita bilang mga martsa sa Luneta, o sa Washington DC at New York sa dekada ’60.

Pero sa nobela, iba ang pagkikita ng feminismo. Si Liesel ay inilarawan bilang isang simpleng bata na nakatira sa mas mahirap na distrito ng kanilang lungsod o probinsya sa Alemanya. Nakikipaglaro siya sa mga kapitbahay niya, at minsan ay wala nga silang pera bumili ng bola. Linggo-linggo, pumupunta si Liesel sa bahay ng alkalde na nasa taas ng burol. Kinukuha niya ang labada mula sa asawa ng alkalde, at binabayaran din siya. Ang asawa ng alkalde naman, ay ibang-iba kay Liesel; siya ay isang mahinang babae, hindi kumikibo, at laging mukhang basang sisiw.

At sa kalagitnaan ng digmaan, ng kahirapan, at ng kaguluhang ito, si Liesel ay naging isang “Book Thief,” dahil siya’y nagnanakaw ng mga libro. Sa loob ng malaking bahay ng alkalde ay isang malaking silid-aklatan na mayroong maraming libro tungkol sa komplikadong mga bagay. Kahit na dalaga na si Liesel, hindi pa rin siya marunong magbasa!

 

Ano ba ang ibig kong sabihin tungkol sa feminismo? Saan nangingibabaw ang feminismo sa kabuuang pagbuo ng tauhan ni Liesel?

Mula pa sa simula ng kasaysayan ng mundo ay mahina na ang ipinakitang istiryupo ng kababaihan. Sila raw ay naghihintay lang sa araw na matagpuan nila ang kanilang “prince charming.” Isang halimbawa nito ay ang istiryupo sa mga babaeng Asyano na tinatawagang “Submissive China Doll stereotype.” Ayon sa istiryutipo na ito, ang babaeng Asyano ay matalino ngunit matahimik at masunurin (sa aspekto na sekswal), katulad ng isang “cute doll.

Sa tauhan ni Liesel, ang feminismo ay nakikita sa paglaban niya para sa kanyang edukasyon. Habang nagpapatayan ang buong mundo, nagnakaw siya nang nagnakaw ng libro upang uwiin at aralin niya sa bahay, kasama ng kanyang tatay, Hans, at ang Hudyo na kanilang tinatago sa bahay, si Max (sa panahong iyon, pinapatay ng Nazi ang mga Hudyo).

Ipinakita ni Liesel sa kanyang sarili, sa kapitbahay, at pati sa asawa ng alkalde na hindi siya takot na matutong magbasa ng libro—kahit sa kadiliman ng kanyang silong. Dito nangibabaw ang teoryang pampanitikan na feminismo: hindi siya naging pareho sa istiryutipo na mahina at walang sariling isip ang babae. Siya ay lumaban para sa edukasyon at kinabukasan ng kanyang bansa.

Kung mayroon pa tayong matutunan kay Liesel, ito’y ang kahalagahan ng pagiging pareho ng lalaki at babae sa lipunan. Sa Pilipinas, hindi naman ito malaking problema kumpara sa ibang bansa na may mga batas sa pabor ng lalaki, ngunit ang pinakamahalaga sa usaping feminismo ay ang sariling pag-isip tungkol sa, at pagtrato ng babae. Totoo naman na ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili.

 

Larawan mula sa: https://trailers.apple.com/trailers/fox/thebookthief/images/poster-large.jpg?lastmod=1

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s